TARA, IPINATITIGIL NI BARTE SA ZAMBOANGA

Iniutos ni Sigmundfreud Z. Barte, District Collector ng Zamboanga Port ang agarang pagpapahinto sa ‘tara’ upang sugpuin ang smuggling at hikayatin ang mga mangangalakal na magbayad ng kaukulang buwis sa pamahalaan.

Si Zamboanga Port District Collector Sigmundfreud Z. Barte habang nagbibigay ng pahayag sa ginanap na operasyon.

Ang pagkilos ay alinsunod na rin sa direktiba ni Bureau of Customs Commissioner Rey Guerrero na burahin ang imahe ng pantalan bilang ‘backdoor smuggling gateway’ ng bansa.

Batay sa ulat, si Barte ay itinalaga noong Oktubre 16 ngayong taon sa naturang pantalan.

Sa kauna-unahang pagkakataon, ang malawakang pakikipag-ugnayan ni Barte sa mga ahensiya ng gobyerno ay nagresulta sa pagpapatupad ng ‘Letters of Authority’ na inisyu ni Guerrero na sumasaklaw sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.

Sa operasyon, malaking bahagi ang ginampanan ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa pagbibigay ng kaukulang impormasyon at tulong sa pagpapatupad ng LA.

Pinangunahan naman ng Philippine Coast Guard ang pag-aresto at pagdadala sa pantalan ng Zamboanga sa MV Hulk.

Ang malawakang operasyon ay naisakatuparan sa pakikipagtulungan na rin ng Task Force Zamboanga, Philippine Army 35IB, Task Force Jolo at Philippine Navy.

Sa kasalukuyan, ang mahigpit na kampanya laban sa smuggling ay nagresulta na sa pagkakasamsam ng mga sumusunod:

 

96

Related posts

Leave a Comment