Sa layuning malabanan ang pagkalat pa ng sakit na African Swine Fever (ASF) sa mga baboy, isang inter-agency task force ang binuo ng Bureau of Customs (BOC) Port of Subic.
Nakipag-ugnayan na kamakailan ang BOC Subic sa mga opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) para sa pagbuo ng nasabing task force.
Pinangunahan ito ni BOC Port of Subic District Collector Maritess Martin; SBMA Deputy Administrator Ronnie Yambao; kasama sina Ms. Belinda Lim, Chief Assessment; at Mr. Pocholo Mangohig ng Public Information Office (PIO).
Ang pagbuo ng task force ay iprinisinta ni Collector Martin sa mga kasapi ng task force na nagmula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Bukod sa Port of Subic, ang iba’t ibang pwerto sa bansa ay patuloy rin ang mahigpit na pagbabantay laban sa posibleng pagpasok ng mga karneng kontaminado ng ASF. (Joel amongo)
350
