Sa layuning malabanan ang pagkalat pa ng sakitΒ na African Swine Fever (ASF) sa mga baboy, isang inter-agency task force ang binuo ng Bureau ofΒ Customs (BOC) Port of Subic.
Nakipag-ugnayan na kamakailan ang BOC Subic sa mga opisyal ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA)Β para sa pagbuo ng nasabing task force.
Pinangunahan ito ni BOC Port of Subic District Collector Maritess Martin; SBMA Deputy Administrator Ronnie Yambao; kasama sina Ms. Belinda Lim, Chief Assessment; at Mr. Pocholo Mangohig ng Public Information Office (PIO).
Ang pagbuo ng task force ay iprinisinta ni Collector Martin sa mga kasapi ngΒ task force na nagmula sa ibaβt ibang ahensya ng gobyerno.
Bukod sa Port of Subic,Β ang ibaβt ibang pwerto sa bansa ay paΒtuloy rin ang mahigpit na pagbabantay laban sa posibleng pagpasok ng mga karneng kontaminado ngΒ ASF.Β Β (Joel amongo)
460 