Kabuhayan ng manggagawa sapol din EKONOMIYA APEKTADO SA CURFEW HOUR

KINUWESTYON ni Senador Grace Poe ang pagpapatupad ng curfew hour sa buong Metro Manila mula 8pm hanggang 5am dahil lubha itong makaaapekto sa ekonomiya, paghahatid ng public services at pangkalahatang kagalingan ng mamamayan partikular ang mahihirap.

Sa pahayag, sinabi ni Poe, chairman ng Senate committee on public services na may ilang katanungan na dapat sagutin ng pamahalaan kung  sakaling tuluyan nang ipatutupad ang curfew hour.

Itinanong ni Poe sa pamahalaan kung paano tutugunan ang magiging epekto ng curfew sa kabuhayan ng manggagawa na pansamantalang mawawalan ng trabaho dahil hihinto ang negosyo.

“What assistance can the government offer to small businesses which will be forced to shut down operations or operate in reduced hours?,” tanong ni Poe.

Aniya, ilan lamang ito sa mga katanungan na inaasahan niyang masasagot ng kinauukulang awtoridad sakaling maitakda na ang detalye ng curfew.

Kailangan din aniyang maging handa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan ng local government units na maghanda ng relief packs, pagkain at tubig upang ipamahagi sa mga mahihirap na mamamayan. ERNIE REYES

284

Related posts

Leave a Comment