KAGAWAD TODAS,15 SUGATAN SA VAN VS BUS

patay

ILOCOS SUR – Patay ang isang 69-anyos na barangay kagawad nang makasalpukan ng sinasakyan nilang van ang kasalubong na passenger bus sa bayan ng Santiago sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon.

Bukod sa namatay na kagawad, malubha ring nasugatan ang siyam na iba pang kasamahang officials ng Barangay Sabuanan sa bayan ng Sta. Lucia sa nasabi ring lalawigan

Habang anim sa sampung sakay ng nakabangang minibus ang nasugatan din dahil sa lakas ng impact.

Ayon kay P/Lt. Godofredo Ribuyaco, hepe ng Santiago Police Station, lumabas sa kanilang inisyal na pagsisiyasat na pagsapit ng Barangay Dan-ar ay may inunahang motorsiklo ang van dahilan para mabangga nito ang kasalubong na minibus .

“Nasa blind curve sila na portion. Allegedly ay nag-overtake itong van, may inunahan itong motorsiklo, so nag-overshoot ito at umagaw ng linya ng minibus. So, nag-engage sila ng head on collision,” ani Ribuyaco.

Dahil sa  lakas ng banggaan, napuruhan sa ulo ang barangay kagawad habang ang mga kasama niya ay nasugatan sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan. (JESSE KABEL)

115

Related posts

Leave a Comment