Kahit nakapasok ang new covid variant GCQ PA RIN SA NCR

HINDI pa rin magbabago ang quarantine classification sa iba’t ibang lugar sa bansa lalo na sa Metro Manila.
Ito’y sa kabila ng ulat na nakapasok na sa bansa ang bagong variant ng COVID-19.

“Hindi pa po magbabago ang ating quarantine classification dahil monthly po na pinagdidesisyunan iyan ng IATF at nakadepende po iyan sa datos ‘no – iyong two week attack rate at saka iyong critical care capacity,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

Disyembre ng nakaraang taon ay pinalawig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang general community quarantine sa Metro Manila at ilang mga lugar.

Simula Enero 1-31, 2021 ay nasa GCQ ang National Capital Region, Isabela, Santiago City, Batangas, Iloilo, Tacloban City, Lanao del Sur, Iligan City, Davao City at Davao del Norte.
Ang natitirang bahagi ng bansa ay nasa ilalim naman ng modified general community quarantine.

Pinakiusapan ng pangulo ang mamamayan na manatili na lamang sa kanilang bahay kung hindi naman mahalaga ang pupuntahan sa labas. (CHRISTIAN DALE)

104

Related posts

Leave a Comment