KAMARA OKAY SA 35 ORAS NA TRABAHO BAWAT LINGGO

INAYUNAN sa House committee on labor and employment ang panukalang batas na gawing 35 oras sa halip na 40 oras ang trabaho ng mga manggagawa sa pribadong sektor.

Sa pagdinig ng nasabing komite na pinamumunuan ni 1Pacman party-list Rep. Enrico Pineda, inaprubahan ang House Bill (HB) 309 na inakda ni Albay Rep. Joey Salceda na bawasan ng ginugugol na oras ng mga mangagawa sa pribadong sektor.

Ayon kay Salceda, lumalabas sa pag-aaral ni Anna Coote ng New Economics Foundation na nakabase sa Australia, mas produktibo umano ang isang mangagawa kung mas maiksi ang oras nang pagtatrabaho nito.

“Observation like these have enjoined other parts of the world to make policy changes that would test wether a reduction in the number of weekly work hours can boost employee productivity,” saad ni Salceda sa kanyang panukala.

Sa ngayon, 40 oras bawat linggo o 8 oras araw-araw ang ginugugol ng mga mangaggawa sa kanilang trabaho subalit kung tuluyang maisabatas ang nasabing panukala ay 35 oras na lamang o 7 oras bawat araw ang pagtatrabaho ng mga obrero sa pribadong sektor.

Maliban dito, sinabi ni Salceda, makakatulong din umano sa employers ang maiksing oras na trabaho ng kanilang mga manggagawa dahil makakatipid ang mga ito.

“For example, shorter work hours saved on utility bills, and resulted to fewer cars on the road during rush hours,” ayon pa sa mambabatas.

Malaki din umano ang tulong nito sa mga manggagawa upang makapiling nila ng mas matagal ang kanilang pamilya at makagawa pa ng ibang trabaho para madagdagan ang kanilang kita.

Sakaling maging batas, dapat kumpleto pa rin ang sahod ng mga mangagawa dahil nagawa naman nila ang responsibilidad sa loob ng 7 oras kada araw o 35 kada linggo na pagtatrabaho. Bernard Taguinod

173

Related posts

Leave a Comment