Kapag nabakunahan ang 50% population NO FACE MASK MAAARI NANG IPATUPAD

KAILANGAN lamang na mabakunahan ang 40% hanggang 50% ng populasyon para hindi na magsuot pa ng face mask ang mga mamamayan.

Sa press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque sa Malacanang, sinabi ni Molecular Biologist Dr and Reverend Nicanor Austriaco na sa sandaling maabot na ang 50% population vaccination sa isang komunidad, dito na papasok ang containment.

Maliban dito ay maaaring hindi mag- face mask, mapipigilan din ng containment ang surges bagamat maaari pa ding magkaroon ng outbreak pero hindi na ito pa kakalat ng napakabilis.

Maaari rin aniyang magbukas ng tuluyan ang ekonomiya habang maaari na ring magkaroon ng gathering o pagtitipon sa hanay ng mga nakatanggap na ng bakuna.

Samantala, 70% hanggang 80% naman ang kailangang mabakunahan para maabot ang herd immunity na sa sandaling maabot ay maaari nang hindi sumailalim sa rt PCR test at quarantine ang travelers na pumapasok at lumalabas halimbawa sa NCR.

“So, we talked before about containment and herd immunity. So, containment is 40-50% of the population and herd immunity – 70% to 80%. And containment will protect us against future surges, it will allow further reopening and it will allow ‘no mask’ gathering of vaccinated persons and I pointed out that outbreaks will still occur but they will not spread rapidly. So, the surge potential of the pandemic will be severely diminished,” ayon kay Austriaco. (CHRISTIAN DALE)

202

Related posts

Leave a Comment