KUNG MAY SOLID NORTH SA ILOCANDIA, MAY SOLID WARAY NAMAN SA SAMAR AT LEYTE

KUNG sa Ilocandia ay may Solid North sila, mayroon din namang ipinagmamalaki ang mga taga-Samar at Leyte na Solid Waray para kay Bongbong Marcos (BBM).

Hindi po lingid sa kaalaman ng mga Pinoy na si dating Unang Ginang Imelda Romualdez Marcos na ina ni BBM, ay nagmula sa Olot, Leyte na Waray rin ang lengguwahe.

Ang Samar ay binubuo ng Eastern, ­Northern at ­Western Samar na ­naidugtong sa Tacloban, Leyte sa pamamagitan ng San Juanico Bridge na ipinagawa ni ­Pangulong Ferdinand Marcos.

Kaya ang Samar at ilang parte ng Leyte ay maituturing na magkapatid dahil pawang mga Waray ang kanilang ginagamit na salita.

Nasubukan na minsan ‘yan kung gaano kalapit ang mga taga-Samar at Leyte nang manalasa ang Bagyong Yolanda sa Tacloban City, ilang taon na ang nakalilipas.

Nang magtungo si dating Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas sa Tacloban City, nang magkaharap sila ni Mayor Alfred Romualdez ng Tacloban na pamangkin ni Unang Ginang Imelda Marcos, ay sinabihan n’ya na “remember na panahon ngayong ng mga Aquino”.

Imbes na suportahan ni Roxas si Mayor Romualdez dahil sa dami ng mga namatay sa kanyang nasasakupan matapos salantahin ng Bagyong Yolanda ay pinagsabihan pa niya ito ng hindi magagandang salita.

Dahil sa pangyayari ay nagbanta ang mga Waray na kapag tumakbo si Roxas ay walang makukuhang boto mula sa kanila.

Kaya nalaglag si Roxas nang tumakbo siya sa vice-presidential race at walang nakuhang boto mula sa taga-Samar at Leyte.

Ngayon, muli na namang ipakikita ng mga Waraynon ang kanilang pagkakaisa sa pagsuporta kay BBM sa sandaling tumakbo ito sa national position.

Sabi nga nila, kung may Solid North sa Ilocandia ay ipakikita rin ng mga Waraynon na may Solid din ang mga taga Samar at Leyte para kay BBM.

Nariyan pa ang matagal nang Marcos loyalists na minamaliit ng iba na mga senior citizen na raw.

Hindi biro ang suporta ng mga senior citizen na mga loyalista dahil umulan man at umaraw ay nariyan pa rin sila para sa pamilyang Marcos.

Ayon pa sa kanila, bukod sa kanilang mga lolo’t lola na ibibigay boto kay BBM, nariyan pa ang kanilang mga anak at apo.

Malaki ang paniniwala ng mga senior na muling makababalik sa Palasyo ng Malakanyang ang mga Marcos.

May punto po ang sinasabi ng mga senior na posibleng makabalik ang mga Marcos sa Malakanyang.

Bakit kamo? Simpleng mathematics lang po, kung ang populasyon ng mga ­senior citizen sa buong bansa ay nasa 10 milyon, kalahati nito na 5 milyon ay ­maaaring makuha ni BBM, plus ang mga

anak nila, asawa ng mga anak nila at isang apo na lang, times 5 milyon ay aabutin na ng 15 milyon.

Sapat na ito para maipanalo ng isang tatakbong presidente.

Pabor din kay BBM kung mas marami ang tatakbong presidente dahil magkakahati-hati ang kanilang mga boto.

Hindi rin nakalilimutan ng mga Pinoy ang mga ­magagandang nagawa ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na hanggang sa ngayon napakikibangan ng mga tao.

Kaya nais nilang muling makabalik ang Marcos sa Malakanyang para muling umunlad ang bansa tulad noong panahon ni dating ­Ferdinand Marcos.

Kaya abangan na lang natin ang susunod na pangyayari.

oOo

Para sa suhestiyon at reaksyon, mag-email sa ­joel2amongo@yahoo.com.

131

Related posts

Leave a Comment