LADY CHIEFS 3-0 NA!

NCAA women's volleyball tournament

PINATAOB ng defending three-time champion Arellano University ang Jose Rizal University, 25-19, 25-16, 25-17 para manatiling walang talo sa tatlong laro sa 95th NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

May 12 points at 15 digs si Regine Arocha, 10 points naman mula kay Carla Donato at may eight points, kasama ang tatlong service aces si Princess Bello para sa Lady Chiefs.

Kumamada ang Arellano ng 36 attacks, na bigong masalag ng Lady Bombers.

“Kung kaya ninyong pigilin sa ibabaw, gawin natin,” lahad ni Lady Chiefs coach Obet Javier. “Maganda naman ang naging resulta, yung mga middle blocker ko, kahit hindi gaanong effective sa palo, pero yung sa block, dahil matangkad, nagagamit yung laki nila.”

Walong puntos lang ang na-contribute ni Dolly Verzosa, habang sina Renesa Melgar at Mary May Ruiz ay tig-5 lang para sa JRU.

Ito ang ikalawang talo ng Lady Bombers sa tatlong laro.

Wagi naman ang Arellano Chiefs, sa pangunguna ni Jesrael Liberato, may 16 points, laban JRU, 25-19, 25-23, 22-25, 25-16, para tumabla sa title holder University of Perpetual Help System Dalta sa parehong 3-0 kartada.

Maging ang Arellano Braves ay nanaig laban sa Light Bombers, 25-10, 25-21, 25-18 at dumeretso sa ikatlong sunod nitong panalo para samahan ang six-peat seeking Altas sa tuktok ng juniors division.  (VT ROMANO)

184

Related posts

Leave a Comment