MISTULANG nabigyan ng pamasko ng Malakanyang ang kauna-unahang babaeng Muslim Judge mula sa Iligan City Regional Trial Court nang ito ay maitalaga bilang mahistrado ng Court of Appeals.
Sa isang pahinang transmittal letter mula sa Malakanyang na naka-address sa Office of the Chief Justice (OCJ) ng Korte Suprema na pirmado ni Pangulong Mayor Rodrigo Roa Duterte kung saan nakasaad ang pagtatalaga kay Iligan City RTC Judge Anisah Amanodin-Umpa bilang mahistrado ng CA.
Si Judge Umpa ay naging hukom sa Iligan City simula pa noong taong 2001 bilang MTC Judge sa Iligan at na-promote noong 2009 bilang RTC Judge.
Nanumpa si Justice Umpa kay SCAJ Rodil Zalameda at kasama naman ni Justice Umpa ang kaniyang mister na nag-iisang testigo sa panunumpa ng bagong mahistrado.
Kabilang din sa mga bagong talagang CA Justicez sina Bautista Glrr Corpin Jr. at Roberto Patdu Quiroz.
Kaagad namang nanunpa ang mga bagong mahistrado para maging legal na ang kanilang pagganap sa kanilang bagong tungkulin.
CONGRATULATIONS!!!
***
Samantala Ilang araw bago ang Pasko, inihabol ng pangasiwaan ng Quinta market and fishport ang pagpapailaw sa pamilihan nitong nakalipas na gabi
Sa hudyat ng pagbubukas ng ilaw, ang tatlong palapag na modelong pamilihan ng Maynila ay nagkulay asul sa mga palamuting ilaw na hinaluan ng mga puting ilaw ng mga parol.
Ayon sa pangasiwaan ng Quinta market, kauna-unahan ito sa kasaysayan ng Maynila sa inisyatibo ng marketlife na pagaari ni Architect Ralph Tecson at gayundin ng manila LGU bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng kapaskuhan.
Ayon kay Ginoong Niño Robles, ang General Manager ng marketlife na nagpapatakbo ng Quinta Market, ngayong taon lang ito sinimulan at gagawin nang tradisyunal tuwing Pasko.
Sinabi pa niya na sa kabila ng pandemya ay nais nilang ipadama na dapat ay laging may pag-asa.
Kaugnay nito, namigay ng aabot sa isang libong food at gift packs sa mga residente ng Quiapo, partikular na ang mga nakatira sa brgy 306 at 384.
Sa ginawang pamamahagi, mahigpit na sinunod ang health protocols na ipinatutupad ng IATF gaya nang pagsusuot ng face mask, face shield at pagpapanatili ng physical distancing.
Sinaksihan naman ni Manila City Admin Felixberto Espiritu at owner ng Quinta Market na si Architect Ralph Tecson, mga barangay official at mga tauhan ng Manila Police District ang nasabing aktibidad.
