LAGUNA UNDER GCQ NA

MULING isinailalim sa general community quarantine o GCQ ang lalawigan ng Laguna makaraang inanunsiyo ito ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte at sa rekomendasyon ng IATF noong Lunes ng gabi.

Kabilang din sa isinailalim sa GCQ ang mga lalawigan ng Cavite at Rizal simula nitong Agosto 18 hanggang 31,2020.

Sa huling COVID-19 update sa Laguna (as of August 17), 2,493 ang active cases, 2876 ang gumaling na, 144 ang namatay, 5,513 ang confirmed cases, 3,711 ang suspected cases at 79 ang probable cases.

Ang limang siyudad na may pinakamataas na active cases ng COVID-19 ay ang Sta. Rosa City, 590 active cases at 1,214 confirmed cases.

Sunod ang Calamba City na may 674 active cases at 1,026 ang confirmed cases; Binan City na may 411 active cases at 911 ang confirmed cases, at Cabuyao City na may 184 active cases at 515 ang confirmed cases.

Dalawang bayan naman ZERO ang active cases, ito ay ang Paete at Magdalena.

Samantala, iminungkahi ni Sec. Vince Dizon, chief implementer ng IATF COVID-19, nang bumisita ito noong nakaraang Linggo sa San Pablo City, na maglatag ng listahan ng resorts na maaaring upahan upang gawing Isolation/Quarantine Facilities.

“Sila naman ay nakasara at walang kita sa ngayon, kapag ang mga resort ay ginawang Isolation/Quarantine Facilities, sila ay babayaran mula sa pondo ng Bayanihan 2, kaya malaking tulong din ito sa kanila lalo ngayong may pandemya pa,” sabi ni Sec. Dizon. (CYRILL QUILO)

115

Related posts

Leave a Comment