CAVITE – Patay ang isang lalaki nang makuryente nang mahawakan ang isang linya ng kuryente habang nag-aayos ng linya ng tubig sa isang water hose sa loob ng isang carwash sa Dasmariñas City noong Huwebes ng hapon.
Hindi na naisugod pa sa ospital ang biktimang si Argie Bonifacio y Barrios makaraang ideklara ng mga miyembro ng CDRRMO na wala na itong buhay.
Ayon sa ulat, nag-aayos ang biktima ng linya ng hose sa loob ng General Carwash sa Green Breeze Sub. sa Brgy. Langkaan 2, Dasmariñas City nang nakarinig sila ng malakas na kalabog at nang puntahan ay nakita si Bonifacio na nakadapa at nangingisay kaya mabilis na pinatay ang linya ng kuryente.
Pinaniniwalaang nahawakan nito ang isang linya ng kuryente at nakatapak sa isang basang bahagi kung saan ito nagtatrabaho.
(SIGFRED ADSUARA)
