PORMAL na isinumite ni Sen. Imee Marcos sa Ombudsman ang ulat ng Senado kaugnay sa pagdukot kay dating pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa liham na kalakip ng ulat, ibinunyag ng imbestigasyon ang posibleng mga krimen at administratibong paglabag ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno.
Hiniling ni Marcos na sila ay imbestigahan at papanagutin alinsunod sa batas.
(Danny Bacolod)
