LAMELO BENCH MUNA

MANANATILI muna si LaMelo Ball sa bench ng Charlotte Hornets sa simula ng season, makaraang ma-diagnose na may Grade 2 ankle sprain.

Narito ang pahayag ng ­Charlotte via twitter @HornetsPR: “The results of @hornets guard LaMelo Ball’s MRI confirmed the initial diagnosis of a L ankle sprain. His return to full basketball activities will be determined by his response to rehab and treatment and further updates on his status will be provided as appropriate.”

Dagdag ng @HornetsPR, nagtungo si Ball sa arena para sa treatment at hindi rin ito bibiyahe patungong Philadelphia para sa final preseason game.

Binibigyan si Melo ng tatlong linggo para makarekober mula sa injury tinamo nitong Lunes sa laro kontra Wizards.

Wala rin sa lineup ng Hornets si Miles Bridges bunga ng ‘legal troubles’ na posibleng hindi makalaro buong season. May ankle issues din si big man P.J. Washington.

Sa parehong laro, nagtamo rin si Wizards’ Kristaps Porzingis ng sprained ankle. At ayon kay coach Wes Unseld, mukhang hindi naman serious ang sprain.

HARDEN ‘DEDMA’
SA BASHERS

NAGSAKRIPISYO si Philadelphia 76ers star guard James Harden nang pasukin ang free agency ng 2022.

Kung tutuusin, pwedeng gamitin ni Harden ang kanyang $47.4 million player option at pilayin ang Philadelphia dahil wala nang makukuhang ibang player. Pero mas ninais ni Harden mag-opt out sa free agency sa halip pumasok sa panibagong deal, upang makakuha ang Sixers ng ibang manlalarong magpapalakas pa sa team.

Pumirma si Harden ng 2-year deal kung saan makakatanggap siya ng $33 million sa 2022-23 season, at malaking halaga ang nawala sa kanya para lamang makuha ng koponan ang serbisyo nina PJ Tucker, Daniel House Jr. at Montrezl Harrell sa free agency.

Ngunit dahil sa ‘pay cut’ naimbestigahan ang Sixers sa umano’y ‘tampering.’

“I don’t care,” ang naging tugon ni Harden nang matanong hinggil dito ng The Athletic. “There’s like a stereotype (of Harden) where people always want to talk. People don’t really know me, so they feel like they can just say anything.”

Giit pa niya, hindi niya uubusin ang panahon sa ganitong bagay. “One thing I won’t do is give them any attention. I won’t say anything, media-wise, publicly. I don’t care, because I’m comfortable and I’m confident in the things I do on and off the court.”

EX-BULLS INARESTO

HINULI si former Chicago Bulls player Ben Gordon sa LaGuardia Airpir sa New York City, bunsod umano ng pananakit sa 10-anyos na anak.

Ayon sa New York Post at mula sa witness mula sa TMZ, ­sinuntok ni Gordon sa ulo ang bata.

Sinasabing may ‘active ­restraining order’ si Gordon sa anak nang maganap ang ­insidente, kung saan dalawang arresting officers ang nasaktan nang manlaban ang suspek.

Dineretso si Gordon sa Port Authority police station, habang ang bata ay dinala ng tiyahin sa local hospital.

Hinugot ng Bulls si Gordon bilang third overall pick noong 2004 NBA draft. Sumalang siya ng five seasons sa Bulls, wagi ng All-Rookie honors at naging Sixth Man of the Year (2004-05 ­season). (VT ROMANO)

253

Related posts

Leave a Comment