LGU OFFICIALS SA DAVAO INIUUGNAY SA POGO

PINASISILIP ng isang mambabatas sa Quad committee ang posibleng pagkakasangkot ng mga local government official sa Davao del Norte sa operasyon ng ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa nasabing lalawigan.

Itinulak ito ni Davao del Norte Rep. Alan Dujali matapos salakayin ng National Bureau of Investigation (NBI) Region XI ang POGO hub sa Barangay Manay, Panabo City, noong December 6, kung saan 59 POGO workers ang naaresto.

“A resolution to direct the appropriate House Committee to immediately conduct an inquiry, in aid of legislation, on the alleged involvement of local government officials in the illegal operations of Philippine Offshore Gaming Operator in the Province of Davao del Norte,” ayon sa mambabatas.

Walang binanggit na pangalan ang mambabatas kung sino sa local officials sa kanilang lalawigan ang sangkot sa niraid na POGO ngunit may impormasyon umano ang NBI na ilang tiwaling local officials ang nagsisilbing protektor nito.

Ipinaliwanag ng mambabatas na maraming local at national government officials ang inimbestigahan ng Quad Comm na sangkot sa POGO kaya hiniling nito na isama ang local officials sa kanilang lalawigan.

Gayunman, nauna nang sinabi ni Quad Comm lead chairman Rep. Robert Ace Barbers na ititiklop na ang POGO investigation at inihahanda na ang committee report na kinabibilangan ng rekomendasyon kung sino-sinong mga local at national government officials ang pinakakasuhan.

Naihain na rin ang mga panukalang batas para tuluyang ipagbawal ang POGO kahit magpalit ng administrasyon, pagbawi sa birth certificate ng mga Chinese national na sangkot sa nasabing sugal at pagbawi sa ari-arian ng mga ito na mula sa kinita sa POGO at drug money. (BERNARD TAGUINOD)

62

Related posts

Leave a Comment