NIGHT OF IDEAS NG CCP AT EMBAHADA NG PRANSYA

Sinusuportahan ng Cultural Center of the Philippines ang global exchange of ideas and knowledge na “La Nuit des idees (The Night of Ideas),” inorganisa ng Embahada ng Pransya sa Maynila.

Ang proyekto ay nagkaroon ng pocket event noong gabi ng Enero 27 na tinawag na “Proches a velo: Closer by Biking – put the spotlight on the development of the culture of cycling in the Philippines”. Matagal nang destinasyon ang CCP para sa karamihang mahihilig sa bisikleta sa bansa. Sa gitna ng pandemya, patuloy ang pagsikad ng biking community. Sa ibabang larawang kuha ni Camille Conde ng Embahada ng Pransya, makikita sina (mula kaliwa) Arturo Carballo, Jr. (Project Lead, SM Bike-Friendly Initiative); Chris Millado (Artistic Director, Cultural Center of the Philippines); Martin Macalintal (Cultural Attaché, French Embassy); Cyril Rocke (Vice-President, European Chamber of Commerce in the Philippines); Marc Piton (Counselor for Cooperation and Cultural Affairs, French Embassy); Cameron Gray (electric bike distributor); at Howie Severino (broadcast journalist).

114

Related posts

Leave a Comment