LISENSYA NG NANAGASANG SUV DRIVER KANSELADO NA

KANSELADO sa loob ng 90 araw ang driver’s license ng nanagasang motorista sa Mandaluyong City kamakailan.

Sa ulat, kinansela ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ni Jose San Vicente kaugnay ng kanyang hindi paglutang matapos sagasaan ang isang security guard sa Mandaluyong City.

Sa pahayag ng LTO, epektibo sa loob ng 90 araw ang preventive suspension.
Batay rin sa beripikasyon ng LTO, mayroon nang record si San Vicente ng tatlong apprehensions for reckless driving noong 2010, 2015, at 2016.

Nakita rin na responsable ito sa kasong reckless driving at paglabag sa Section 55 ng Republic Act 4136 nang abandonahin nito ang biktima sa nabanggit na insidente.

Matatandaang noong June 5 nang mag-viral ang video kung saan makikitang binundol ni San Vicente ang security guard na nagmamando ng trapiko malapit sa isang mall.

199

Related posts

Leave a Comment