LUCENA CITY MAYOR MARK ALCALA, MAY BABALA SA MGA EMPLEYADO NG CITY HALL

SA kanyang inagurasyon kahapon at pagsisimula ng bagong termino, nagbabala si Lucena City Mayor Mark Alcala na sinomang empleyado na hindi magbibigay ng “genuine” na paglilingkod ay hindi kabilang sa kanyang administrasyon.

Binigyang-diin niya ang pagpapaganda ng “Sa Lucena VIP Ka” program sa pamamagitan ng pagkuha ng mahuhusay na “frontliners” sa city hall.

Mahalaga aniya ang maayos na implementasyon ng programa at pagtrato sa constituents para sa tagumpay nito.

Nais din niyang magkaroon ng pantay na pagtingin sa lahat ng Lucenahin, mayaman man o mahirap.

Nangako si Alcala ng mas mahigpit na pagpapatupad ng batas at pagpapalakas ng programa para sa kabataan.

Kahapon ay pormal nang nanumpa sa kanilang mga posisyon ang mga bagong halal na opisyal ng lungsod sa isang seremonya sa Lucena Convention Center na pinangunahan nina Mayor Alcala at ng kanyang tatay na si Vice Mayor Roderick Alcala.

(NILOU DEL CARMEN)

80

Related posts

Leave a Comment