LUZON-WIDE LOCKDOWN HANGGANG 12MN NG ABRIL 13, 2020 – DOTr

SINABI ni Department of Transportation Undersecretary Raul del Rosario na mananatili ang Luzon-wide lockdown hanggang alas-12:00 ng hatinggabi ng Abril 13, 2020.

Sa Laging Handa public press briefing ay sinabi ni Del Rosario na base sa enhanced community quarantine na deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay mananatili ang quarantine ng isang buwan.

Ang 14 days self-quarantine aniya na mula sa protocol ng WHO ay epektibo lamang kapag umiiral ang community quarantine.

Subalit, dahil umiiral na ngayon ang enhanced community quarantine ay isang buwan iiral ang quarantine sa buong Luzon.

Nauna nang sinabi ng gobyerno na ang layunin nila sa ngayon ay ma-contain at hindi na kumalat pa ang corona virus disease.

Kaya’t nakikiusap ang gobyerno sa lahat na manatili sa kani-kanilang mga tahanan, mag-quarantine at sumunod na lamang sa kanilang kautusan. CHRISTIAN DALE

221

Related posts

Leave a Comment