KUNG ang mga kilalang super hero gaya nina Batman at Superman ay lantarang nakalabas ang kanilang underwear aba’y meron namang isang opisyal sa Bureau of Immigration na ayaw ilantad ang itinatago niyang sikreto. Yun ay ang size ng kanyang underwear.
Alam n’yo bang naging usap-usapan sa NAIA ang isang senior citizen na immigration officer na diumano ay jowa nitong si Macho Chiquito?
Itago na lang natin siya sa pangalang Aling Beth. Bago daw magkaroon ng pandemya ng COVID-19 ay nagpunta pala sa Hongkong si Aling Beth.
Ang pakay raw ng pagpunta niya ay upang bumili lang pala ng isang mahiwagang fruit of the loom na BRIEF ang labs niya na si Macho Chiquito.
Pero naging katatawanan at katakut-takot na kantiyawan ang nangyari dahil labis na ikinagulat ng mga taga airport ang size ng biniling underwear para kay Macho Chiquito. Mantakin mong extra small lang pala ito?
Sa laki ba naman ng katawan ni Macho Chiquito ay hindi raw nila akalain na ganun lang daw kaliit ang size ng kanyang underwear?
Aba kayo naman, baka naman para sa kanyang pet o kaya ay gagamitin niyang holster ng baril ang extra small na brief?
Kaugnay pa rin kay Macho Chiquito, nakatanggap tayo ng sumbong kamakailan mula sa mga accredited travel agencies at liaison officers na halos holdap daw ang inaabot ng mga overstaying na dayuhan sa Pilipinas.
Sinisingil daw ng malaking halaga ang mga ito kapalit ng extension ng kanilang tourist visa at makapagtagal pa na mamalagi sa bansa.
Noon daw wala pang pandemya ay halos 80 porsyento ng mga transaksyon sa BI ay ang Visa Extension Office ang may pinakamaraming kliyente.
Sa ngayon daw dahil nga sa COVID-19 ay nasa 50 porsyento na lang ito. Subalit, napag-alaman natin na bawat passport na ipinapasok sa nabanggit na tanggapan kada araw ng mga travel
agencies, aba’y may bitbit daw na padulas. Sa tantiya ng inyong Bistador, umaabot siguro sa 100k hanggang 200k kada araw ang kinikita rito ng isang tiwaling opisyal.
Kaya pala halos pumutok daw ang laman ng bulsa nitong tinagurian nating Macho Chiquito sa dami raw ng pera nito?
Sabagay, matulungin naman daw po itong si Macho Chiquito at hindi nakakalimot lalo na tuwing pasko.
Namumudmod kaya ito sa kanyang mga tauhan ng tig-50 piso. Malaki yun ah pwede pambili ng donut.
Noong nakaraang taon , nakipagtalo pa sa akin sa isang opisina itong si Macho Chiquito nang magmalinis ito na sinita ko sya sa pagpapalabas ng isang article sa isang pahayagan na nilinis na raw niya ang visa extension office laban sa katiwalian?
Mabuti na lamang kahit tirik ang araw ay hindi kumidlat kundi tinamaan sana ang kumag na ito at sa kanyang sobrang inis ay para itong babaeng may period na lumabas ng opisina at ibinalibag ang pinto na muntik pang mawasak sa lakas.
Sino kaya ang nakatataas na sa Immigration Regulations Division at ilang mataas pang opisyal ng Office of the Commissioner ang nabibigyan ng biyaya nitong si Macho Chiquito kung kaya’t
patuloy ang iligal na gawain na ito sa naturang tanggapan? Abangan!!
Para po sa inyong Sumbong at Reaksyon maari ninyo akong itext sa 09158888410.
