MADUGONG ANTI DRUG WAR IKINALAGLAG NI ROQUE SA ILC

ANG madugong giyera ng administrasyong Duterte ang nakikitang dahilan sa likod ng pagbasura ng hangaring mapabilang sa International Law Commission (ILC) ng tagapagsalita ng Palasyo.

Paniwala ni Bayan Muna partylist Rep. Carlos Zarate, mistulang pahiwatig din ang kabiguan ni presidential Spokesperson Harry Roque sa posibleng kahinatnan ni Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal ng gobyerno kaugnay ng kasong kinakaharap nito sa International Criminal Court kung saan inihain ang crime against humanity na isinampa ng mga naulilang pamilya ng mga pinaslang na drug suspects mula nang panahong mayor pa lang si Duterte hanggang sa mahalal na Pangulo.

“In fact, this crushing rejection can also be seen as an international rebuke, even indictment, of the bloody human rights record of the Duterte administration. In a capsule, daserve nya yan!,” sambit ng militanteng kongresista.

Kabilang din si posibleng makaladkad sa asunto sa ICC sina Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na nanguna sa giyera kontra droga bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) mula 2016 hanggang 2018. Pasok din sa nasabing asunto si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Kumbinsido si Zarate na ang pagbasura sa nominasyon ni Roque ay isang pahiwatig na tuluyang madidiin ang Pangulo. (BERNARD TAGUINOD)

133

Related posts

Leave a Comment