MAG-UTOL NA RIDER, DEDBOL SA BUNDOL

QUEZON – Dead on the spot ang magkapatid matapos araruhin ng SUV ang sinasakyang motorsiklo ng mga ito sa national highway sa bayan ng Padre Burgos sa lalawigang ito, noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang mga biktimang sina Enrico Delfin, 32, at Miguel Emmanuel Delfin, 19, mga residente ng Barangay Unisan.

Ayon sa Padre Burgos Police, patungo sa direksyon ng Pagbilao ang magkapatid nang araruhin ang mga ito ng kasalubong na Mitsubishi Challenger Wagon na minamaneho ng 25-anyos na public school teacher na si Christian Asi sa Barangay Danlagan.

Pauwi sa bayan ng Mulanay ang suspek nang mangyari ang insidente.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang dalawa sa kalsada at kapwa binawian agad ng buhay. Ayon sa pulisya, walang suot na crash helmet ang dalawang biktima.

Inararo rin ng SUV ang concrete barriers at nakatawid pa sa kanal saka sumadsad sa may kakahuyan sa gilid ng kalsada.

Sumabog at nasunog naman ang motorsiklo sa lakas ng pagkakabangga.

Hawak na ng mga awtoridad ang driver ng SUV na sasampahan ng kaukulang kaso. (NILOU DEL CARMEN)

161

Related posts

Leave a Comment