Ang simpleng aplikasyon sana ay naging masamang karanasan para kay Ginalyn dahil sa mga mapanganib na lending company na nambibiktima ng mga inosenteng tao. Tandaan na ang mga lehitimong kumpanya gaya ng Tala ay rehistrado sa Securities Exchange Commission.
Ngayong Oktubre, inaasahang magiging sentro ng atensyon ang mga halimaw para sa Halloween. Bagaman nakatutuwa ang sindak na hatid ng mga ito pagdating sa pelikula’t TV, ang mga tunay na ‘financial monsters’ o scammers gaya ng mga mandaraya, mapagpanggap, at mga mapanlinlang na tao ay maging katakot-takot na kwento para sa pera, kaligtasan, at pag-iisip ng kanilang mabibiktima.
Ayon sa datos ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC), 32 porsyento ng Pilipino ang nakaranas ng pandaraya nitong nakaraang taon. Para maiwasan ang mga ganitong banta, narito ang ilan sa mga tips para makaiwas sa mga financial monsters:
1. Kahina-hinalang links, websites at emails
Madalas na gumagamit ng mga pekeng links, websites, at emails ang mga kriminal para gayahin ang mga lehitimong organisasyon. Ginagawa nila ito para nakawin ang impormasyon, mabuksan ang account, o kaya ay mag-install ng malicious software (malware) sa kanilang mabibiktima. Ilan sa mga senyales nito ay mga karaniwang pagbati, pagtatangka na mag-login, o pagpapaalam na mayroong problema sa iyong account.
Para makaiwas, suriing maigi ang email address nang nagpadala kung mali ang baybay, may sobrang letra, o kaya ay galing sa pangkalahatang domain tulad ng @gmail.com. Kung makakatanggap ng anumang kahina-hinalang link, huwag na huwag itong pipindutin.
2. Kakaibang baybay at pagbuo ng salita
Malaking palatandaan din ng scam ang pagkakamali sa baybay, gramatika, at ayos ng pangungusap. Nangyayari ito sa tuwing gumagamit ang mga scammers ng machine translation gaya ng Google Translate, iba sa mga lehitimong kumpanya na may sariling communications team upang tiyaking maayos at propesyonal ang kanilang pakikipag-usap sa customer.
Kaya naman ugaliing tingnan ng maigi ang bawat detalye ng mensahe kung may kakaibang pagkakabuo ng mga salita. Kung hindi maayos at natural ang tunog nito, malaki ang posibilidad na ito ay isang scam. Huwag na itong sagutin at i-ulat kaagad sa mga awtoridad gaya ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group at National Bureau of Investigation (NBI) upang magawaran ng karampatang aksyon.
3. Pagmamadali at pamimilit
Ang pinagsamang pamimilit at emosyon, na kung tawagin ay social engineering, ay mabisang estratehiya ng mga mandaraya upang guluhin ang isip ng kanilang biktima. Sa paggamit ng matitinding emosyon tulad ng takot, pagkasabik, o pakikiramay, tinutulak nito ang mga tao na gumawa ng mabilis at padalos-dalos na desisyon na madalas nauuwi sa malaking pagkakamali.
Kailanman hindi gumagamit ng pwersa o pananakot ang mga lehitimong organisasyon lalo kung may kinalaman ito sa pera o sensitibong impormasyon. Ang pinakamahusay na panangga sa ganitong sitwasyon ay ang agarang pagtigil sa komunikasyon at direktang pagkontak sa kumpanya gamit ang opisyal na numero, email, o website upang makumpirma kung totoo ang mensahe o isa lamang scam.
4. Hindi kapanipaniwalang alok at dagdag na bayad
Kapag ang bagay na inaalok ay tila masyadong maganda para maging totoo, malamang ay isa itong scam. Ang mga pangakong gaya ng malaking pera, premyo, at eksklusibong oportunidad ang dahilan kung bakit marami pa rin ang nagiging biktima sa mga ganitong panloloko.
Laging tandaan na huwag magbayad ng kahit anong advance fee para manalo ng premyo o tumanggap ng mamahaling bagay para sa napakababang halaga. Mas mainam pa rin ang maging maingat kaysa magsisi dahil sa matinding pagkalugi.
Biang isang global financial infrastructure na kumpanya para sa Global Majority, nakatuon ang Tala sa pagiging katuwang ng mga Pilipino tungo sa pag-unlad sa pamamagitan ng patas at etikal na pamantayan, at aktibong pagsuporta sa mga patakarang laban sa mga mapanlinlang na gawain.
Isang halimbawa si Ginalyn na lumapit sa Tala matapos maging biktima ng isang mapanganib na online lender. Nakaranas siya ng pananakot at pamimilit na pagbayad ng napakalaking interes kahit bahagi lamang ng halagang inutang niya ang kanyang natanggap.
“Nakakapagtaka talaga kung bakit nila nakuha yung contact number ng tita ko. Tinakot din sila na kapag hindi raw ako nagbayad, sila raw ang sisingilin. Noong malapit na ang due date, doon na nila sinabing magpapadala raw sila ng tao para ipatumba raw ako, kaya malaki ang naging trauma ko noon,” sabi ni Ginalyn.
Sumusunod ang Tala sa mga patakaran na pumipigil sa pandaraya at gumagamit ng machine learning technology upang matukoy ang mga kahina-hinala o awtomatikong pagkilos sa mga sistema nito. Aktibo rin itong nagpapalawak ng kaalaman sa pamamagitan ng social media, mga forum at financial literacy workshop, at pakikipagtulungan sa National Bureau of Investigation (NBI) upang mapanagot ang mga kriminal.
Manatiling mapagmatiyag at laging maging maalam. Ang mga transaksyon at aplikasyon ay maaari lamang gawin sa opisyal na Tala app.
“Sa Tala, mababa lang ang interes. Napakasafe pa niya at friendly. Hindi siya namimilit kung malapit na ang due date, at hihikayatin ka pa nitong makipag-usap kung sakaling hindi mo pa kayang magbayad sa ngayon.” dagdag ni Ginalyn.
Tungkol sa Tala
Ang Tala ay isang global na teknolohiyang kumpanya na bumubuo ng accessible na serbisyong pinansyal sa mundo. Ang kanilang serbisyong pinansyal ay nagbibigay ng flexible at convenient online credit sa kanilang mga customer lalo na sa mga underserved at underbanked na populasyon. Ang Tala ay nakapagbigay ng mahigit 7 bilyong USD na credit sa mahigit 12 milyong tao sa tatlong iba’t ibang kontinente. Ginagamit ng mga customer ang mga produkto ng Tala bilang simula at paglago sa kanilang munting negosyo, para sa mga araw-araw na pangangailangan, at sikaping maabot ang kanilang financial goals na may kumpiyansa. Simulan ang iyong financial freedom: https://tala.ph/borrow/.
Para sa katanungang lehitimong digital lending platforms, bisitahin ang gotala.co/help o gamitin ang opisyal na Tala app. Ang Tala ay pinamumunuan ng Tala Financing Philippines Inc., isang lisensyadong pinansyal na kumpanya na mayroong SEC Registration No. CS201710582 at Certificate of Authority No. 1132, at isang registered operator of payment system, na mayroong OPS Registration No. OPSCOR-2023-0010. Ang Tala Philippines ay mayroong sertipiko ng Great Place to Work® sa paglinang nito ng mahusay na workplace culture at employee experience. Laging pag-aralan ang terms at conditions at ang disclosure statement bago magpatuloy sa anumang loan transaction. Ang Tala ay nasa ilalim ng regulasyon ng Securities and Exchange Commission, na may email address na flcd_queries@sec.gov.ph.
49

