MALAKING PWERSA NG SAF, CIDG LUMUSOB SA DAVAO

ISINIWALAT ng anak ni dating pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Representative Paolo ‘Polong’ Duterte na nagpadala ng malaking puwersa ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang lungsod na naging dahilan para bantayan ng kanilang mga tagasuporta ang kanilang bahay.

“As of today, we have monitored the arrival of 30 CIDG (Criminal Investigation and Detection Group) ang 90 SAF (Special Action Force) personnel from Luzon,” ayon kay Duterte na ngayon ay nasa Netherlands kung saan nakakulong ang kanyang ama.

Walang ibinigay na impormasyon ang mambabatas kung ano ang misyon ng nasabing puwersa ng PNP sa Davao City at wala pang paliwanag dito ang pambansang pulisya habang isinusulat ito.

Subalit kamakalawa, hinayag ng kanyang kapatid na si Vice President Sara Duterte-Carpio na nakatanggap ito ng impormasyon na posibleng maglalabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban sa kanya, kasama sina senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, dating PNP chief Oscar Albayalde at iba pang opisyales ng pambansang pulisya.

“We strongly condemn the recent actions of PNP-CIDG that have clearly crossed the line into harassment against my family. It is disheartening to see that those who are sworn to uphold the law are being blinded-not by justice, but by money,” ayon kay Rep. Duterte.

Ang CIDG, sa pamumuno ni Major Gen. Nicanor Torres, ang nanguna sa paghuli kay Kingdom of Jesus Christ (KoJC) leader Pastor Apollo Quiboloy noong nakaraang taon matapos itong isyuhan ng warrant of arrest ng Pasig City Regional Trial Court dahil sa non-bailable case.

“The real criminals in our society are being ignored while some in the higher ranks have seemingly solid their integrity,” alegasyon ni Cong. Duterte.

Sinabi pa nito na dinodokumento nila ang mga kilos ng CIDG at SAF at maging ang pangalan ng mga sangkot sa bagong aksyong ito ng pambansang pulisya.

“When the time comes, you will answer—not to us—but to the very forces of justice you have turned your back on. You won’t be facing people with money, but people who are ready to stand their ground,” mensahe ni Rep. Duterte.

(PRIMITIVO MAKILING)

39

Related posts

Leave a Comment