MARSO 22 IPINADEDEKLARANG NATIONAL DAY OF PRAYER

HINIMOK ng House Leadership si Pangulong Rodrigo Duterte na ideklara ang Marso 22, (Linggo) bilang National Day of Prayer sa gitna ng kinahaharap ng buong bansa sabanta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

SA isang liham na ipinadala ng Kamara sa Malacañang, sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na panahon na para magkaisa ang bawat Filipino sa panalangin.

“As we continue to brave through the days ahead of us, the House of Representatives respectfully calls on the President to declare a National Day of Prayer on Sunday, 22 March 2020.

Pray that The Almighty may grant our frontliners wisdom, protection and compassion, our leaders wisdom and discernment, and all Filipinos cooperation and resilience. Together, we can overcome this adversity,” nakasaad sa liham na pirmado nina Cayetano, House Majority Leader Martin Romualdez at House Minority Leader Benny Abante.

Kasunod ng ipinatupad na community quaratine ay naapektuhan ang mga pagtitipon sa mga simbahan, mosque, templo at iba pang lugar ng worship subalit ang ipinatutupad na social distancing anila ay hindi dapat maging hadlang para sa pagpapakita ng pananampalataya. ABBY MENDOZA

147

Related posts

Leave a Comment