MAXINE: ‘DATI PIGIL NA PIGIL AKO, HINDI PWEDENG MAGING MALANDI!’

Kabado si Maxine Medina dahil sa online series na Beauty Queens. Makakasama ng dalaga sa proyektong ito na mapapanood sa iWant sina Gloria Diaz, Maris Racal at Winwyn Marquez. “Nagulat ako at the same time kinakabahan ako kasi nga si Ms. Gloria Diaz ‘to, na beauty queen pa. Tapos ako naman, feeling ko parang bumabalik na naman ako sa pageant, ‘yung kaba nang gano’n. Another role na naman ito na pwede kong gawing perfect this time. Pwede kong ma-feel at ma-confirm sa sarili ko na kaya ko naman palang gawin. Kasi ‘yung pagsali ko sa pageant noon first time ko ‘yon eh. Make it or break it ‘yon kumbaga,” paglalahad  ni Maxine.

 Si Joel Lamangan ang direktor ng naturang serye kaya mas kabado raw ang dalaga sa trabaho ngayon. “Kinakabahan ako pero siyempre it’s such an honor kasi Joel Lamangan ‘yon. Naririnig ko na dati ‘yung image niya, kung paano siya magtrabaho kaya hindi rin maiwasan na kabahan talaga ako. Pero sabi nga niya no’ng storycon namin, ang ayaw lang naman niya ay ‘yung ma-late ang artista niya. Huwag daw talagang male-late tapos dapat prepared ka na pagpunta sa set. Hindi naman talaga ako pasaway pero siyempre ayoko lang din na hindi ko ma-meet ‘yung expectation ng director sa akin. Kasi ‘yon lang naman ang sinusunod ko eh. Kung ano ‘yung sinabi ng director, ‘yon ang gagawin ko,” nakangiting pahayag ng beauty queen.

Samantala, mula nang nanalo bilang Binibining Pilipinas-Universe noong 2016 ay nai-enjoy daw talaga ni Maxine ang pagiging isang artista. Marami na umanong natutunan ang dalaga sa trabaho bilang isang aktres. “Sobrang nai-enjoy ko talaga and at the same time kapag nag-a-acting na ako nailalabas ko lahat ng mga gusto kong ilabas. Kasi dati pigil na pigil ako kasi siyempre ‘yung upbringing kasi sa amin, sa family namin na very conservative. Hindi ka pwedeng maging malandi, hangga’t kaya mong tiisin, tiisin mo. Pero no’ng pinasok ko ang pag-arte, napakarami kong natutunan. Maswerte rin ako na lagi akong tinuturuan ng mga co-actors ko noon sa Los Bastardos. Every time na meron kaming scenes together, sinasabi nila may ways kung paano ka magsu-switch on at off. Happy ako kasi ‘yung soul ko, na parang kailangan kong maglabas dito and then pag-cut okay na ako, na I can be like Maxine again. Ang galing, sobrang amzed talaga ako kaya sobra akong nag-i-enjoy dito sa field na ito,” pagbabahagi ng dalaga.

With reports from J.C.C.(BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

187

Related posts

Leave a Comment