12-ANYOS PABABA BAWAL NA SA DOLOMITE BEACH

HINDI na pinapasok ang mga batang edad 12 pababa sa Manila Baywalk Dolomite Beach simula kahapon.

Sa isang pulong, sinabi ni Manila Police District (MPD) Director Police Brig. Gen. Leo Francisco na layon nitong maiiwas sa posibleng pagkahawa sa sakit ng mga bata at mapigilan ang posibleng superspreader event na resulta ng pagkukumpulan ng mga tao.

Papayagan naman ang mga person with disability at mga senior citizen at magtatalaga ng special lane para sa mga ito.

Kaugnay nito, isasara ang kontrobersyal na ‘beach’ ngayong Undas. Sarado rin ito tuwing Biyernes para sa maintenance works.

Lilimitahan naman sa 3,000 ang kapasidad ng Dolomite Beach kumpara sa halos 6,000 katao na dumagsa kamakailan.

Bukod dito, magtatalaga ng opisyal kada araw na siyang titiyak na sinusunod ang health protocols ng mga namamasyal. (RENE CRISOSTOMO)

101

Related posts

Leave a Comment