15 ANYOS, KALABOSO SA CARNAPPING

(Ni CHE ALMADIN)

Isang 15 anyos na binatilyo ngayon ang inaresto ng mga awtoridad matapos na magawang magnakaw ng sasakyan ng isang negosyante sa Lungsod ng Caloocan kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Caloocan City Police ay ganap umanong alas 9:40 ng gabi nang maganap ang insidente sa isang basketball court na matatagpuan sa Barangay 12, Dagat- Dagatan ng nasabing lungsod.

Ayon sa biktimang si Antonio Pantoja, 53 anyos ay sandali lamang umano niyang ipinarada sa lugar ang kanyang Yamaha Mio na motorsiklo upang daanan ang isang kaibigan ngunit ilang minuto lang pagbalik niya ay wala na ang kanyang sasakyan.

Mabilis siyang nakipagugnayan sa nasabing barangay at nang usisain ang mga kuha ng CCTV ay doon na nakitang isa lang palang binatilyo ang tumangay nito na itinago sa pangalang Luis, 15 anyos, out of school youth na kilala pa mismo ng mga taga- barangay, agad nilang pinutahan ang bahay nito at doon na nga narecover ang motorsiklo ng biktima.

Agad ding naaresto ang binatilyo ay itinurn over sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO) na bagamat menor de edad pa ay tuluyan pa ring nasampahan ng kasong paglabag sa RA10883 o Anti-Carnapping Act.

25

Related posts

Leave a Comment