2 MIAA OFFICIALS SINIBAK NG OMBUDSMAN

SINIBAK sa serbisyo ng Office of the Ombudsman ang dalawang mataas na opisyal ng Manila International Airport Authority (MIAA) matapos mapatunayang guilty sa kasong grave misconduct and abuse of authority.

Ayon Kay Ombudsman Samuel Martines, sina Cesar Choing at Irene Montalvo ay guilty sa kasong grave misconduct, abuse of authority and conduct prejudicial to the best interest of the service, dahil sa ipinatupad na reassignment ng 300 empleyado nang walang basehan.

Ayon pa kay Martinez, ang 300 employees ay inilipat o itinalaga sa posisyon kung saan wala silang kaalaman o karanasan, at hindi makapag-function nang maayos dahil ang departamento ay hindi naaayon sa kanilang skills.

Kabilang sa tinukoy ni Martines ay ang reassignment ng isang electrical engineer na mula sa electrical division ay ginawang manager ng Airport Police Department.

Bukod sa pagkakasibak sa serbisyo at ‘forfeiture’ sa kanilang mga benepisyo, diskwalipikado na silang muling pumasok sa government service sa alinmang sangay ng pamahalaan.

(FROILAN MORALLOS)

 

81

Related posts

Leave a Comment