2 OPISYAL NG BIR HULI SA P75-M EXTORTION

bir1

(NI HARVEY PEREZ)

ARESTADO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation -National Capital Region (NBI-NCR) at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang dalawa sa apat  opisyal ng Bureau of Internal Revenue-Revenue District Office Pasig  na sangkot sa P75 milyon pangingikil sa isang malaking telecommunication company,  sa isang hotel sa Quezon City.

Kinilala ni NBI Director Dante Gierran  ang mga naarestong suspek na sina Alfredo Pagdilao Jr. at Agripina Vallestero, pawang empleyado ng BIR-RDO Pasig.

Samantala, pinaghahanap pa ng NBI ang mga kasabwat nilang empleyado ng BIR na sina  Rufo Nanario at Michelle de la Torre.

Sa reklamo sa  NBI, una umanong hiningan ng mga suspek ng halagang P160 milyon ang isang malaking telecommunication company na hindi binanggit ang pangalan sa Pasig kapalit ng P1.6 bilyon umanong tax deficiency na nakuha matapos na amyendahan ang tax returns.

Nalaman na unang humingi ng tulong sa PACC ang naturang tele-communication company  at  noong Hulyo 19, nagpanggap umanong opisyal ng telecommunication company ang isang taga PACC at nakipagpulong sa mga suspek at siyang nakipagtawaran hanggang sa umabot sa P75 milyon ang hinihinging kabayaran kapalit ng babayaran na P1.6 bilyon tax deficiency.

Nitong Hulyo 20,nakipagkita sa mga suspek sa isang hotel sa QC pero sina Pagdilao at Vallestero lamang ang lumutang, isinasakay na ng mga suspek ang dalawang maleta ng budol money na may nakapatong lamang na P100,000 sa ibabaw nang arestuhin sila ng mga tauhan ng NBI.

Kinasuhan ng NBI  ng kasong paglabag sa RA 7080 ( anti-plunder law) RA 3019 (graft and corrupt, practices act ) at Robbery with Intimidation (extortion) ang apat na suspek.

179

Related posts

Leave a Comment