BAKIT NAG-BACK OUT SI ERICH SA ‘LOVE THEY WOMAN’ SERYE?

(NI JONATHAN ANG)

ETSAPWERA  na si Erich Gonzales sa upcoming Kapamilya drama series na “Love Thy Woman.”

Kung hindi siya nag-back out, first team-up sana ni Erich kina Xian Lim at Kim Chiu as a love triangle sa isang teleserye.

May kinalaman ba ang noo’y romantic involvement ni Erich kay Xian sa kanyang pagba-back out?

Ayon sa isang source, umatras sa project si Erich last July 23 dahil ang character niya sa serye ay magi­ging kontrabida, bagay na umano’y hindi naman na-discuss nung ialok ang serye sa kanya.

Matatandaan na ang full cast ng LTW ay nagkaroon ng story conference sa ABS-CBN headquarters noong April 8.

Parang ‘di convincing ang rason sa pagba-back out. Kung ikaw ba naman ang o­peran ng meaty at challenging role ng kontrabida na kadalasang tumatatak sa manonood at pihadong pang-award pa, tatanggihan mo ba? Sa rami ng jobless o unemployed nowadays, hmmm?

###

Sumabak kamakailan sa firearms training sina Derrick Monasterio, Gabbi Garcia, Yasmien Kurdi, Bea Binene, Gil Cuerva, at Bing Loyzaga.

Ito ay bilang paghahanda sa bagong Kapuso action series na “Beautiful Justice.”

“It’s fun kasi hindi lang para sa show mo ginagawa pero madadagdagan ang skill mo,” sabi ni Derrick.

“Sobrang thrilling. It was actually my first time firing a gun at saka marami kaming natutunan,” ayon naman kay Gil.

Na-appreciate din ni Yasmien ang naturang pagsasanay dahil ngayon ay alam na rin niya ang tamang paghawak ng baril.

112

Related posts

Leave a Comment