2 PATAY SA PAMAMARIL

Patay ang dalawa katao sa magkahiwalay na insidente ng pamamaril sa Lower Bicutan, Taguig City, nitong Linggo ng gabi.

Nakilala ang isang biktimang agad na binawian  ng buhay  na si Bryan Victoria, 31, na kagagaling lamang sa bahay ng kanyang kapatid sa Mulawin St.

Ayon sa mga residente ng lugar,nakarinig sila ng hindi bababa sa walong putok ng baril ngunit hindi nila nakita kung sino at ilan ang mga hindi kilalang suspek.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo sa krimen ngunit napag-alaman na dating nakulong ang biktima dahil sa kasong ilegal na droga.

Samantala , isang babae naman ang pinagbabaril hanggang sa mapatay sa Marinduque Street.

Sinabi ng ilang saksi, nakaupo ang biktima sa harap ng isang tindahan, nang biglang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek.

Paniniwalang dayo lang sa lugar ang biktimang hindi matukoy ang pag kakilanlan.

Inaalam rin ng Taguig police kung may koneksiyon ang dalawang insidente ng pamamaril.

14

Related posts

Leave a Comment