2,000 TAUHAN NG MMDA IKAKALAT SA SCHOOL OPENING

mmda

(NI LYSSA VILLAROMAN)

NASA mahigit 2,000 tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang naka-deploy sa na  Lunes para matiyak na ligtas at maayos ang pagbubukas ng klase sa Metro Manila.

Ayon kay MMDA chair Danilo Lim, nasa 2,500 traffic personnel ang ide-deploy bago mag-alas-5:00 ng umaga sa Lunes at sa mga susunod na araw kung kailan magbubukas na ang klase para masigurong maayos ang daloy ng trapiko sa Kamaynilaan.

“Ilalagay natin ang ating mga traffic enforcers sa mga lugar sa Metro Manila na ma-trapik para i-monitor ang sitwasyon ng trapiko partikular sa mga lugar na malalapit sa mga eskwelahan. Magdadagdag din tayo ng mga tauhan kung kinakailangan,” ani Lim.

Samantala, ayon kay MMDA Traffic Discipline Office Chief Teroy Taguinod, pinaalalahanan na ang mga district traffic heads na makipag-ugnayan sa mga opisyal ng paaralan, barangay, at mga local traffic officials para maibsan ang epekto ng bigat ng daloy ng trapiko sa paligid ng eskwelahan.

“May koordinasyon na kami sa ilang school administrators na pumapayag na magbaba at magsakay ng mga estudyante sa loob ng paaralan para hindi makaapekto sa trapik,” paliwanag ni Taguinod.

Inatasan din ni Taguinod ang kanyang mga tauhan na huwag umalis sa kani-kanilang pwesto, maging magalang, at tiyaking naipapatupad ang batas trapiko.

Binanggit din nito na malaking tulong sa kaayusan ng kalsada ang presensya ng mga traffic enforcers.

Dagdag ni Taguinod na tuwing may klase ay umaabot sa EDSA at iba pang pangunahing lansangan sa Kamaynilaan ang mabigat na daloy ng trapiko sa paligid ng mga eskwelahan kaya’t kailangan ang pakikipagtulungan sa mga stakeholders.

Isa ang MMDA sa partner agencies ng Department of Education’s Inter-Agency Task Force para sa Oplan Balik Eskwela sa taong ito.

 

146

Related posts

Leave a Comment