3 DRUG PUSHER HULI SA P.8-M SHABU

UMABOT sa P828,000 halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng mga tauhan ng Manila Police District at nadakip ang tatlong hinihinalang tulak sa inilatag na buy-bust operation sa Sampaloc, Manila, iniulat ng pulisya nitong Miyerkoles.

Bagsak sa kulungan ang mga suspek na sina Abdulkarim Shim, 23; Balnora Mandale, 26, at Bin Abdel Aziz Damil y Haron, 33-anyos.

Batay sa ulat na isinumite ni P/Capt. Geo Colibao, hepe ng Station Drugs Enforcement Unit, kay P/Lt. Col. Rolando Bumagat, station commander ng MPD-Pandacan Police Station 10, bandang 6:00 ng gabi noong Mayo 19 nang isagawa ang buy-bust operation sa P. Noval sa harap ng bahay ni Shim na kung saan nadakip ang tatlong mga suspek.

Nakuha sa nasabing bahay ang tatlong malaking bulto at limang katamtamang laki ng sachet ng umano’y shabu na aabot sa 120 gramo at tinatayang P828,000 ang street value.

Ang mga suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (RENE CRISOSTOMO)

111

Related posts

Leave a Comment