PATAY ang tatlo sa apat na sinasabing carnapper matapos na umano’y makipagbarilan sa mga parak nitong Miyerkoles ng madaling araw sa Caloocan City,
Hindi pa nakikilala ang tatlong napatay gayundin ang nakatakas nilang kasamahan matapos maka-engkwentro ang Task Force Limbas sa Quirino Highway, Guadanoville Subdivision, Barangay 183, Caloocan City dakong alas-1:45 ng madaling araw.
Napag-alamang sakay ang apat na suspek ng isang silver na Mazda na may plakang XEL-583, nang makipasabayan sa mga alagad ng batas.
Bangkay na tumimbuwang ang tatlo habang tuluyang nakapuslit ang isa nilang kasapakat. (ALAIN AJERO)
