300 ROAD ACCIDENT SA MM ARAW-ARAW

car

(NI BERNARD TAGUINOD)

HINDI bumababa sa 300 ang aksidente sa Metro Manila araw-araw na ikinaalarma ng isang mambabatas sa Kamara kaya nais nitong magtatag ng National Land Transportation Safety Board (NLTSB).

Ayon kay AANGAT-Tayo party-list Rep. Harlin Neil Abayon III, noong 2017 ay nagtala ang Metro Manila Development Authority ng 110,025 aksidente kaya umaabot o 301 kada araw sa buong taon.

Mas mataas ito sa 109,322 aksidente kung noong 2016 na malayong malayo sa 65, 111 noong 2005 kaya nararapat aniyang magkaroon na ng NLTSB para tutukan ang problemang ito lalo na ang dahilan ng mga aksidenteng ito.

Walang ibinigay na datos si Abayon kung anong uri ng mga sasakyang sangkot sa aksidente noong 2017 subalit noong 2016, lumalabas na ang nagmamaneho ng motorsiklo ang may pinakamaraming naitalang aksidente na umaabot sa 218 na sinundan ng truck na umaabot ng 103 ang aksidenteng kinasangkutan.

Sumunod dito ang kotse na may 98 aksidente at 44 ang naitalang aksidente na kinasasangkutan ng mga taxi habang 34 ang van, 31 sa bus at iba pa.

Sa kabuan, umaabot sa 645 ang namatay sa aksidente noong 2017 at umaabot naman sa 28, 279 sa aksidente na kinasasangkutan ng 210, 542 sasakyan sa Metro Manila lamang.

 

158

Related posts

Leave a Comment