‘ALL SYSTEMS GO’

NAZARENO By MJ ROMERO

(NI SAMANTHA MENDOZA/PHOTO BY MJ ROMERO)

TAPOS na ang paghahanda  at “all system go” na ang buong puwersa ng Philippine National Police (PNP) para sa gaganaping Traslacion sa Enero  9.

Ito ang kinumpirma ni Manila Police District Director PSSupt. Vicente Danao, kung saan naka full alert ang buong puwersa ng pulisya.

Nabatid na sinimulan na rin kanina ang no vendor policy sa paligid ng Quiapo Church  at sa paligid ng Quirino Grandstand kung saan isasagawa ang “pahalik”at sa lahat ng ruta ng prusisyon.

Isinara na rin ang South bound lane ng Quezon Blvd.mula A. Fugoso hanggang Plaza Miranda at West bound lane ng Espana Blvd.mula P. Campa hanggang Lerma St.

Ipinagbabawal din ang pagdadala ng mga patalim, armas, back packs at may kulay na canister o water jag.

Mahigpit din na ipinagbabawal ang pagpapaputok ng mga fire crackers sa panahon ng Traslacion hanggang maibalik ang imahe ng Poon Itim na Nazareno sa Manor Basilica.

Simula rin kanina ng alas 8:00 ng umaga ipatutupad na ang liquor ban hanggang sa matapos ang Translacion.

Sa panahon naman ng Traslacion sa Enero 9 papatayin ang signal ng cellphone sa dadaanan na ruta ng prusisyon, ipatutupad ang no fly at sail zone.

Hinikayat din ang mga deboto na huwag nang magdala ng cellphone, malaking halaga ng pera, magsuot ng mga alahas dahil tiyak na marami ang masasamang loob, ang magsasamantala sa sitwasyon at kung maari ay huwag nang magsama ng bata.

 

17

Related posts

Leave a Comment