OIL PRICE HIKE SIMULA BUKAS

oil

MATAPOS ang sunud-sunod na rollback, nagpatupad naman ng oil price hike sa mga produktong petrolyo ang mga kompanya ng langis sa bansa epektibo bukas(Enero 8).

Pinangunahan ng kompanyang PTT Philippines, Pilipinas Shell at Petro Gazz ng dagdag presyo na P0.80 kada litro ng gasolina, P0.70 kada litro sa diesel at P0.40 kada litro ng kerosene na epektibo bukas ng alas-6:00 ng umaga.

Inaasahang susunod naman ang ilang pang malalaking kompanya ng langis kabilang na ang tinaguriang “Big 3” (Petron Corporation at Caltex) gayundin ang mga malilit na oil companies sa bansa na magpatupad ng oil price hike sa kahalintulad na halaga.

Ang ipinatupad na dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod sa patuloy na paggalaw ng presyuhan nito sa pandaigdigang pamilihan at hindi ang ipatutupad na fuel excise tax sa bansa.(ROSE PULGAR)

 

8

Related posts

Leave a Comment