33 DRUGGIES HULI SA QC

ARRESTED DRUGS-2

Nakahuli ng 33 katao na sangkot sa iligal na droga ang Quezon City Police District (QCPD) sa buong magdamag.

Ang mga nasakote ng iba’t ibang yunit ng QCPD ay kakasuhan sa piskalya ng paglabag sa ilang probisyon ng Republic Act 9165 sa Lunes pa dahil Sabado na ngayon.

Karamihan sa mga nahuli ay walang trabaho at galing sa mahihirap na mga pamilya.

Ang QCPD na pinamumunuan ni Chief Supt. Joselito Esquivel Jr. ay isa sa mga aktibong distrito na sakop ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa usapin ng pagsugpo ng iligal na droga.

Bahagi ang nasabing operasyon sa kampanya ng administrasyong Duterte laban sa iligal na droga.

5

Related posts

Leave a Comment