4 PEKENG GOV’T OFFICIALS, TIMBOG SA EXTORTION

INARESTO ng National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division ang apat na nagpakilalang mga opisyal ng pamahalaan, makaraang takutin at hingian ng pera ang isang South Korean national sa Pasay City.

Kinilala ng NBI ang mga suspek na sina Roberto Albaña Jr., Avelino Gueta Jr., Junroso Bansil, at Danilo P. Abacaro, pawang nahaharap sa kasong robbery extortion.

Batay sa ulat ng NBI, inireklamo ng isang South Korean national, na isang grupo ang humingi sa kanya ng P2 milyon at nanakot na sasampahan siya ng deportation charges kapag hindi siya nagbigay.

Ang mga suspek ay nagpakilala umanong mga opisyal ng Office of the President at Bureau of Immigration.

Nang beripikahin sa website ng nasabing mga ahensya ang pangalan ng mga suspek ay hindi lumitaw sa listahan ang mga ito.

Bunsod nito, nagkasa ng entrapment operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkaaresto ng mga suspek. (RENE CRISOSTOMO)

54

Related posts

Leave a Comment