4 SUSPECT SA BELTRAN SLAY ‘GIGISAHIN’ NA

beng

(PHOTO BY EDD CASTRO)

ISASALANG na sa interogasyon ang apat na naarestong suspect umano sa pananambang at pagpaslang kay Barangay Silangan chair Crisell ‘Beng’ Beltran.

Kasabay nito, bumuo na ng komite ang National Capital Region Office at Quezon City Police District para pag-aralan kung kanino ibibigay ang P5 milyong reward na inilaan sa makapagbibigay ng impormasyon sa ikadarakip ng mga suspect sa pagpaslang Beltran.

Ito ay kasunod din ng pagtugis sa mga nalalabi pang suspect na umano’y nakatakas nang isagawa ang pagsalakay sa kuta ng “gun for hire group” noong Sabado ng gabi.

Sinabi ni NCRPO Dir. Guillermo Eleazar, may tracker teams na ang pulisya para sa mga nakatakas na suspek, habang sasalang naman sa interogasyon ang apat na naarestong sangkot sa pamamaslang.

Sari-saring armas at bala ang nasamsam sa bahay ng mga suspect na sina Teofilo Formanes, Ruel Juab, Orlando Juab at Joppy Juab nang masakote.

Si Beltran ay makakalaban sana sa congressional race nina Councilor Precious Hipolito at dating Rep. Dante Liban.

99

Related posts

Leave a Comment