600 DEBOTO BINIGYAN NG FIRST AID

Traslacion by AJ GOLEZ

(NI SAMANTHA MENDOZA/PHOTO BY AJ GOLEZ)

NASA may 600 deboto lumahok sa Traslacion ng Poon ng Itim na Nazareno, ang binigyan ng “first aid ” ng Philippine Red Cross.

Ang mga deboto ay nahilo, tumaas ang dugo at nasugatan. Sa huling tala nitong alas-11 ng umaga  nasa may 600 ang kabuuang deboto na ang naitalang dumulong sa Red Cross. Sa 600 deboto, 468 ang nagpasuri ng blood pressure, 163 ang mga dumulong na nahihirapan huminga, nahihilo, pasa, malalim na sugat, sakit ng ngipin at iba pa.

Kabilang sa bilang apat na malalang kasong naitala ay dahil sa malalim na sugat, hirap sa paghinga at pagkahilo. Isa pang deboto ang isinugod sa ospital ngunit hindi pa nagbigay ng detalye ang PRC sa sakit nito.

Dalawang babae  naman na nagtangkang umakyat nawalan ng malay. Isa pang deboto ang isinugod sa ospital dahil naman sa hypertension. Nabatid na inilagay ng PRC ang kanilang pinakamalaking first aid station sa may Manila City Hall at may ikinalat na  mahigit 1,000 volunteers upang umasiste sa mga magpapartisipa sa taunang selebrasyon ng Pista ng Nazareno.

Nagsimula ang Traslacion 2019 dakong alas-5:03 ng umaga matapos ang misa ni Manila Archbishop Cardinal Luis Antonio Tagle sa Quirino Grandstand . Alas 12 ng tanghali ng dumating ang prusisyon sa Jones bridge at tinaya ng Manila Police District (MPD), ang paglahok ng may isang milyon deboto. Wala pa naman iniulat na nasawi sa Traslacion hanggang habang isinusulat ang balitang ito.

149

Related posts

Leave a Comment