73rd PHILAAST ANNUAL CONVENTION, ENSURING FOOD SECURITY

“ENSURING Food Security through Science Technology and Innovation”.

Ito ang tema ng isinagawang 73rd PHILAAST National Convention sa Manila Hotel kahapon.

Sinimulan ang programa ng alas-9:00 ng umaga sa pamamagitan ng pag-awit ng National Anthem at taimtim na dasal. Kasunod nito ang welcome message ni PHILAAST President Fortunato De La Pena, opening remarks ni DOST Sec. Renato Solidum Jr., Keynote message ni Sec. Francisco Tiu Laurel Jr., na binasa ni DA Undersecretary Agnes Catherine Miranda.

Pinangunahan naman ni PHILAAST Vice President, Environment Science Dr. Reynaldo Dela Cruz ang awarding ceremonies.

Ang sampung awardees ng PHILAAST ay sina Dr. Carla Dimalanta para sa Basic Science Research; Dr. Christina Binag para sa Applied Science Research; Dr. Reggie Yadao Dela Cruz para sa Health Science; Dr. Eufrocina Atabay para sa Agri-Award for Agricultural Research; Dr. Einstein Opiso for Engineering Research; Engr. Nesley Francisco Saysay for product and process Innovation; Dr. Jose Bienvenido Manuel Biona for Sustainability Research; Dr. Maria Minerva Calimag for Public Health; Engr. Arthur Tan for Productivity Through Technology; Dr. Manuel Garcia for Information Technology.

Pinangunahan naman ni Dr. Alvin Culaba, PHILAAST Vice President Division F ang paglulunsad ng PHILAAST of Fellows habang si Dr. Reynaldo Ebora PHILAAST Vice President A ang Smarth STI Solutions to Ensure Food Security. Samantalang si Dr. Diana Ignacio na siyang Board of Advisers at Members ang siyang nanguna sa Promoting Tech-based Start-ups in Support for Security.

Si Danilo Fausto, President ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. at Dr. Manny Logrono ang siyang plenary Speaker 1 and 2.

Kabilang naman sa mga nanumpa bilang bagong miyembro ng PHILAAST ang TV Host at Reporter na si Mer Layson at Mary Ann Santiago.

71

Related posts

Leave a Comment