9 SCALPERS SA UAAP-81 ARESTADO

ARRESTED-UAAP

Siyam na pinaniniwalang “scalpers” ang sabay-sabay na dinakip ng pulisya ng Lungsod ng Pasay nitong Sabado.

Ang mga naaresto ay sina Alfredo Molina, Michael Diño, Jhon Randell Guison, Edgardo Lacap IV, Antonio Borja, Ale Viñas, Rex Peral, Billy Jon Alturas, at Alberto Manarang.

Nahuli sila nang makatanggap ng reklamo ang pulisya na napakamahal nilang manikil sa ibinebenta nilang tiket para sa unang laban ng University of the Philippines at Ateneo de Manila University nitong Sabado sa Mall of Asia Arena para sa UAAP – 81.

Silang siyam ay nakakulong ngayon sa selda ng pulisya sa Pasay.

Bukas sila kakasuhan sa piskalya dahil sa kanilang paglabag sa Pasay City Ordinance 192 (Anti-Scalping Ordinance).

Nabatid ng Saksi Ngayon na talamak ang “scalping” sa basketball games, boksing, at iba pa.

7

Related posts

Leave a Comment