Active cases umakyat sa 260 2 TUMBA SA COVID SA VALENZUELA

covid

MULING nakapagtala ng dalawang namatay sa COVID-19 sa Valenzuela City at sumipa sa 260 ang active cases sa lungsod matapos na 81 bagong kaso ang iniulat, ayon sa pinakahuling ulat ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU).

Ayon sa CESU, hanggang 11:59 pm noong Setyembre 20 ay 962 na ang COVID deaths sa lungsod.

Pumanhik naman sa 46, 242 ang cumulative confirmed cases at 45,202 ang recovered matapos na 43 pasyente ang gumaling.

Sa 260 active cases naman ay 206 ang naka-home quarantine, 42 ang nasa isolation facility at 12 ang nakaratay sa pagamutan.

Samantala, sa nasabi ring petsa ay nagtala ang Navotas City Health Department ng sumusunod: total recoveries – 20,854; total active – 108; total deaths – 681; total cases – 21,643. (ALAIN AJERO)

Related posts

Leave a Comment