NAKAPASOK na ang bagyong si ‘Usman’ sa Philippine Area of Responsibility.
Sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) na ang low pressure area (LPA) ay ganap nang naging tropical cyclone bago ito nakapasok ng PAR.
Huling namataan si ‘Usman’ sa 945 kilometers east ng Hinatuan, Surigao del Sur at may lakas ng hangin na 45 kph malapit sa gitna at bugso ng hanggang 60kph, dagdag pa ng Pagasa.
Si ‘Usman’ ay sinasabing lalakas pa bago mag landfall sa Eastern Samar sa Biyernes, December 28. Makararanas naman ng malakas na pag-ulan sa Easter Visayas, Surigao del Norte at Dinagat Islands simula Miyerkules ng gabi o Huwebes ng umaga.
Inaasahan namang lalabas ng bansa si ‘Usman’ sa Sabado o Linggo.
133