BENGUET VICE GOV KINASUHAN SA OMB

SINAMPAHAN ng kasong graft and corruption ng isang grupo sa Office of the Ombudsman si Benguet Vice Gov. Erickson Felipe kamakailan.

Ayon sa Task Force Kasanag (TFK), may conflict of interest umano ang pagiging vice governor ni Felipe at pagiging may-ari niya ng Tagel Corporation, isang construction firm na may transaksiyon sa gobyerno.

Nakasaad din sa nasabing reklamo, nakakuha umano ng 30 kontrata ang kumpanya ni Felipe sa Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagkakahalaga ng P1.35 bilyon noong 2022 hanggang 2023 habang siya ang bise gobernador.

Malinaw umanong paglabag sa Republic Act 3019 at 6713 o ang Anti-graft and Ethical Standards of a Government Official. Dagdag pa ng TFK, si Felipe ay patuloy na nagmamay-ari ng 60% ng nasabing kumpanya na nagkakahalaga ng P300 milyon.

Sa isinampang kaso ng grupong TFK laban kay Felipe, sinabi nito na ginamit ng bise gobernador ang kanyang puwesto para makakuha ng mga kontrata sa DPWH. Ang TFK ay isang civil society group na nakabase sa Cordillera Administrative Region (CAR) at nagbabantay sa mga katiwalian ng mga opisyal sa nasabing rehiyon.

55

Related posts

Leave a Comment