BI at PCG kumilos matapos masita ni Speaker Romualdez CHINESE CREW NG MGA BARKO SA MLA BAY GUMAGALA SA GABI

MATAPOS kwestyunin kamakailan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kung sino ang nagbabantay sa mga Chinese crew ng mga barko sa Manila Bay, agad nagsagawa ng inspeksyon ang Bureau of Immigration (BI) at Philippine Coast Guard (PCG) sa lugar.

Nakarating kasi kay Speaker Romualdez na bumababa sa gabi ang mga crew ng mga barko na kabilang sa Manila Bay Reclamation kahit na wala itong mga kaukulang dokumento para gumala.

Agad na ipinag-utos ni Immigration Commissioner Norman Tansinco noong Huwebes kay BI Intelligence Chief Fortunato Manahan Jr., ang inspeksyon at monitoring kasama ang Intelligence

Unit ng PCG sa lahat ng mga Chinese vessel na nakadaong sa Manila Bay ngayon.

Sa report naman ng Intelligence Division kay Comm. Tansinco, sinabi nito na tatlong barko ng China ang naakyat na ng joint BI at PCG team nitong weekend.

Ayon kay Chief Manahan, “patuloy na gagawin namin ang pagmomonitor at inspeksyon 24/7 sa kanila”.

Ipinasuspinde na rin ni Pangulong Marcos noong Huwebes ang reclamation project sa Manila Bay matapos kuwestiyunin ang legalidad nito.

Isang imbestigasyon din ang gagawin ng Kongreso para malaman kung nalagay ba sa alanganin ang seguridad ng bansa dahil sa pagbaba ng mga Chinese crew sa gabi.

120

Related posts

Leave a Comment