CALOOCAN BISHOP NANGANGAMBA SA PAMILYA

ambo1

(NI ALAIN AJERO)

HINDI para sa kanyang buhay nangangamba ang Obispo ng Caloocan kundi sa mga taong malalapit sa kanya na posibleng madamay sa pagiging kritiko niya sa gobyerno ni Pangulong Rodrigo Duterte partikular sa mga pagpatay at droga.

Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David sa loob ng nakalipas na isang lingo ay puno ng mensahe ang kanyang mobile phone na siya na ang susunod na lilikidahin at hindi niya alam kung saan nanggagaling ang mga ito.

Bunsod nito, may mga aktibidad na hindi na niya nadadaluhan para pangalagaan ang kanyang kaligtasan, batay na rin sa payo ng mga taong malalapit sa kanya.

Dagdag pa ni David, ganoon din ang nadarama niya, dahil nangangamba naman siya para sa kaligtasan ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Magugunitang inakusahan na ni Pangulong Duterte si David na gumagamit umano ito ng droga at nagbanta pang siya ay papatayin kapag ito ay napatunayan.

Kaugnay nito, sinabi ng pamunuan ng Caloocan Police na handa silang magkaloob ng security assistance sa Obispo kung nanaisin nito.

 

263

Related posts

Leave a Comment